The History and the shift to a new Operating System (Ubuntu)…


Grade 5 ako unang natuto mag computer.. since then Microsoft Windows na gamit ko.. ano ba naman malay ko nun diba, bsta mukhang hitech na siya sakin at interesting oks na sakin. Dun na din ako natuto gumamit ng Microsoft-developed applications such as Word, Excel, Powerpoint.. i remember tuwang tuwa ako sa power point sobrang tuwa na imbis na maglaro ako ng playstation e nag popowertpoint na lang ako (ginagawa ko kasi ng presentation mga kaibigan ko nun.. parang introduction ng bawat isa.. ), naalala ko pa na ang ginamit kong color nun e blue.. (badtrip nde ko nabackup yung file na yun eh). Marami din akong sinubukang gawin sa computer nun (nde ko masabing akin yung computer kasi sa ate ko talaga yun eh pero halos ako nagamit).. nagagalit pa ako nun kasi si jb e naglalaro ng sims sa pc (e ako lang naglalaro nun eh, ginagamit niya yung character ko). As usual may mga rules noon sa pag gamit.. hinalintulad sa paggamit ng playstation..

Rules?

1) Bawal magadik! baka lumabo ang mata! since sa angkan namin wala pa masyado proficient talaga sa computers and its periperals, di ko pa alam kung ano ang anti radiation screen protector kaya di ko pa masabi na (bumili na lang tyo ng anti-rad).

2) May oras ang paglalaro! hindi pede mag computer ng hindi pa nakain na almusal, dapat patayin pag kakain ng lunch at hanggang 6 lang pede mag computer. Hindi din pede mag computer pag weekdays (pero natakas ako minsan).

3) Gamitin ng maayos ang computer! naalala ko dati, sinubukan kong masanay na mag type ng 1 kamay lang.. sinusi ng mama ko ang aking tenga at ausin ko daw! (nakooo naman…)

4) Pahiramin ang kapatid! eto natural naman toh, pero kung alam ko lang mag setup dati ng account sa pc, sana yun na ginawa ko.. e hindi eh kaya pinapakialaman ng kapatid ko ang mga ginagawa ko.. kaya ginawa siyang rule. ehehehe!

5) Gumawa muna ng assignment bago mag computer! Syempre since akala nila e parang laro laro lang ang nasa computer, iniisip nila na baka nde nanamain magawa ang assigment namin kaya dapat icheck muna ni mama ang daily journal namin for assignments.

6) Siguraduhing nakahanda ang gamit kinabukasan… hindi puro computer ang inaatupag! Ang isang bata pag nagkaroon ng interest sa isang bagay.. and tendency e isipin yung bagay na yun at gawin kung ano pedeng gawin sa bagay na yun.

7) Bawal bumagsak sa klase! Syempre gusto ng parents, worthy naman yung pag bili nila ng computer so you have to prove and improve on certain things they want for example.. high grades and conduct.

Enough with the rules! ang layo na sa topic mo eh!

Anyways, after almost 13 years of computing on the microsoft windows, i finally felt na need ko na magshift completely on a different operating system (hindi ko naman sinasabing iiwanan ko na si windows, magiging secondary ko na lang siya kumbaga). I planning to shift this 2009.. siguro mga march ata..? (toinkz ginawang big deal eh noh).

Why shift..?

Because i’ve finally decide that i will stick to java (as my forte) instead of c#.net (well pede pa din naman ako mag .net pero primary ko na si java).

I’ve read some article on the internet na sobrang bilis daw ng netbeans and eclipse sa ubuntu at interesado akong subukan ang sinasabi nilang bilis na yan.

For now, di pa ako makakpagswitch kasi may ginagawa pa akong project (actually 2 pa siya)…  part of my study for my upcoming scjp exam (sana pumasa).

Good Day…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s